1. 3 August, 2009
    00:00

    Mabuhay tumblr..

    Mas mabuti kung hindi ko na ipapakilala ang aking sarili at manatiling isang palaisipan sa mga taong makakabasa ng blog na ito ang katauhan ng nagmamay-ari.. Isa akong mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Mahilig magsulat, kumanta, maggitara at magbasa..

    Naisipan kong gamitin ang blogsite na ito dahil mayroon akong sinusubaybayang blog simula pa nung magsimula akong gumamit nito at para na rin makita kung ano ang mas magandang gamitin para sa aking mga likha..